
|
Yesss, Sabado na naman. Oras na
para magpa-cute sa Libis mamayang gabi. Marahil ay ganito ang iniisip ng iba sa mga
pumupunta sa Libis. Well, isa ako sa mga palaging pumupunta sa Libis tuwing Sabado ng
gabi. Pagpatak ng mga bandang 12 midnight ay unti-unti nang dumadami ang crowd. Pati mga
nagtitinda ng yosi ay pumupwesto na rin upang makapaghanap-buhay. |
Marami kang mapapansin sa
Libis bukod sa mga nagsulputang mga bars doon. Madalas ay aakalain mong may fashion show
dahil andaming chikababes na labas ang mga likod at hita. Siguro yung iba dun sa mga babae
ay na-pulmunya na dahil halos exposed lahat ang kanilang likod. Hahahaha, kunsabagay kahit
minsan nakakakita din ako ng mga chikababes dun na anlalaki ng mga braso (parang pamalo ng
dalag) pero naka sleeveless pa.
Grabe rin ang mga apog nung mga yon. Tapos
eto naman yung mga guys na kasama nung mga chikababes. Yung iba, gwapings ang auto pero
pangit ang face, meron namang gwapings ang face pero pangit ang auto, at shempre meron
ding mga gwapings ang face at gwapings din ang auto. Wag na nating pag-usapan yung mga
pangit ang face at pati auto ay pangit din. Hay naku, ang dami mo talagang mapapansin sa
Libis basta Saturday night.
Pagkatapos ng konting inom sa
bar ay deretso na ng karerahan. Eto na ang mga taong hot na hot sa karera. Walang ibang
gagawin kundi magpaikot-ikot dun sa strip at maghanap ng makaka-guage. Minsan kahit walang
kalaban ay basta na lang bibirit para lang ma-satisfy ang need for speed. Ratrat lang ng
ratrat hanggat may gasolina pa, ganyan ang mga karerista sa Libis. Kung minsan, kala mo ay
may transhow dahil nagpapagandahan ng auto, pero shempre ay pabilisan pa rin ng auto ang
pinag-uusapan. Marami ring iba't ibang klase ng mga tao na nasa gilid-gilid ng Libis.
Allow me to classify them: Yung mga kumakarera na nagpapahinga lang. Yung mga kumakarera
na natalo at ayaw nang mapahiya. Yung mga naghahanap ng kapustahan. Yung mga pumunta ng
Libis para lang manood ng karera. Yung mga napadaan lang. Yung mga nagtitinda ng yosi na
nakikinood sa mga karera. Yung mga magsyota na walang mapwestuhan. Yung mga addict na wala
ring mapwestuhan. Yung mga gusto pang kumarera pero wala nang gasolina o kaya ay may sira
ang auto. Yung mga pulis na nakikialam sa mga karerista.

|
Teka, mukhang lumalalim na ang
gabi pero andami pa ring mga tao. Yung iba ay nakikita kong naghihikab na pero ayaw pa
ring umuwi. Parang may hinihintay na main event. Yung mga strip pimps naman ay panay ang
lapit sa mga prospect nila. By the way, yung sinasabi kong mga strip pimps ay yung mga
taong lalapit sa isang karerista tapos maghahamon ng pustahan. Eto ang usual dialog ng mga strip pimps. "Pare, gusto nyong
itakbo auto nyo?" At shempre yung mga ayaw namang lumaban ay may usual dialog din.
"Pare next time na lang." o kaya ay "May sira ang auto ko eh."
Tapos biglang may dumating na pulis!!!
Takbuhan na!!! Kanya-kanyang sibat. Yung mga auto maguu-turn lang tapos balik ulit sa
dating pwesto pero kung ayaw umalis nung pulis,,, malamang ay uwian na. Pero this time ay
swerte ang mga karerista dahil after 15 minutes ay umalis na ang mga pulis. Tuloy na naman
ang karera.
|

|
Marami kang makikitang mga
matutulin na auto. Hit dito, hit doon ang ginagawa ng mga drag racers. Kung minsan ay may
plus pa kung medyo mabilis ang kalaban. Yung mga gusto namang mangulit ay nasa likod ng
mga magbibitaw tapos bubuntutan hanggang sa dulo. A few more hours at magliliwanag na. Alas-tres y media na ng
madaling araw at mukhang may matutuloy nang pustahan. Sa kabilang side ng Libis ay may
nagkukumpulang mga tao. Tila may tinitingnang makina ng sasakyan. Tapos ay lumipat sila sa
isa pang auto at binuksan din ang hood. Makalipas ang kalahating oras ay naglabas na ng
mga pera itong mga grupo ng kareristang nag-uusyoso sa mga bukas na hood ng kotse kanina.
This is it. Mayroong pustahan!!!
Medyo matagal ang simula ng bitaw dahil
andaming sukat na ginagawa bago simulan. Kung pantayan ay matatagalan lang kung jumpstart
o kaya ay bobo yung flagman pero kung may plus ay mas matagal dahil susukatin pang mabuti
kung eksakto yung plus na binigay. Best of three ang labanan. Considered talo kapag naka
nitrous. |

|
Ang maglalaban ay SiR atchaka VTi na naka
full race. Plus 1 yung VTi. Heto na, nagsimula na yung race. Unang bitaw ay panalo yung
SiR. Ikalawang bitaw panalo yung VTi kse nag misshift yung driver ng SiR. Huli at ikatlong
bitaw ay nanalo pa rin ang SiR. Sigawan sa tuwa yung mga ka-grupo ng nanalo at nakayuko
naman ang ulo ng mga talunan. That's
life, kung minsan ay panalo pero minsan ay talo din. I guess it's time to go home na. Nang
tingnan ko ang aking relo ay quarter to 5 na pala ng umaga. Oras na para umuwi at
magpahinga. Next Saturday na lang ulit. Same time, same place, same face. |
For more street racing antics, visit the Wicked
Racing web site at: www.wickedworks.cjb.net |